+ Braces = ) +

Hi to all! Hindi na naman ako nakapag-update kagad kasi pumunta ako sa dentist kahapon. Hehehe... May retainer na ako sa lower teeth = D. Yehey! Sa taas na lang ako may braces. Tatanggalin pa next week.

Grad ball nga pala nina Kuya ngayon. Congrats ulit sa mga grumaduate! Next school year kami na ang mga Ate at Kuya. Hehehe.
Nakakapanibago pa rin itong retainer ko. Pag kumakain ako parang yung retainer ko yung nalulunok ko. Hehehe. Basta masasanay din ako. Naaalala ko pa noong kakalagay pa lang ng braces ko. Hirap na hirap akong kumain pero nung tumagal nasanay na din ako. Tiniis ko lahat yun kaya ngayon ok na yung ngipin ko. Konting tiis na lang at matatapos na. Kaya kapag may tiyaga, may nilaga. Hehehe.

Ang dami ko ng namimiss...

Sige po, bye-bye! ^0^